fbpx

November 8, 2020

HANDA KA NA BA?

(Isang Pagninilay para sa ika-8 ng Nobyembre, 2020)
Ni: Reb. Padre Vincent-Marie Taguinod

Minsan, may isang deboto ng Santo Nino ang nagkaroon ng isang pangitain sa kanyang panaginip: bibisita ang Santo Nino sa kanya at kailangan niyang maghanda! Kaya naman paggising niya kinaumagahan ay kaagad-agad siyang nagplano kung paano niya paghahandaan ang kanyang pinaka-aabangang bisita. Dali-dali siyang pumunta sa palengke upang mamili nang ihahanda. Sa kanyang pagpunta ay nakasalubong niya ang isang paslit na may karungisan na nanghihingi nang makakain; at dahil siya ay nagmamadali, nasigawan niya ito at sinabihang huwag siyang gambalain. Sa kanyang pagbabalik matapos makapamili, namataan niya sa hindi kalayuan ang kanyang biyenan na kanyang kinaiinisan; nag-iisa ito at tila nabibigatan sa kanyang dala-dalahan. Nang makita siya, nginitian siya nito at kumaway. Ngunit dahil sa siya nga ay nagmamadali at may inis dito, nagpanggap siyang hindi niya ito nakita at umiwas nang daraanan. Pagdating sa bahay, hindi siya nag-aksaya nang panahon na simulan ang pagluluto para sa kanyang inaasahang bisita. Sa kalagitnaan nang kanyang paghahanda ay may narinig siyang kumakatok. Nasilip niya ang isang pulubi sa kanyang pintuan, at dahil sa siya ay abala, nagpanggap siyang hindi narinig ang kumakatok hanggang sa lumisan ito.

Nang matapos siya sa kanyang paghahanda ng samu’t-saring masasarap na pagkain, nagsimula siya sa paghihintay para sa pagdating ng kanyang bisita. Sumapit ang dapit-hapon at matatapos na ang araw ngunit bigong dumating ang kanyang inaabangan. Sa kanyang pagod, nakatulog siya at nagkaroon siyang muli ng isang pangitain. Nagpakita muli ang Santo Nino sa kanyang panaginip, at sa kanyang kabiguan ay agad niyang siningil ang Santo Nino, “Panginoon, bakit naman po Ninyo binigong tuparin ang Inyong pangako na ako ay bisitahin?” Napabuntong-hininga ang Santo Nino at ang sagot ay, “Anak, makatatlong beses akong nagtangkang kausapin ka at makaulayaw, ngunit sa tatlong pagkakataong iyon, tatlong beses mo rin akong iniwasan.”

Ang ating Ebanghelyo sa Linggong ito ay nagtatapos sa isang babala: “…magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” Malapit nang matapos ang taon ng simbahan, at ang mga tema ngayon at sa mga susunod na mga Linggo ay magsisimula nang maukol sa mga wakas ng panahon sa pagdating ng Panginoon. Ang ating mga pagbasa ay nakatuon sa pagiging matalino sa buhay na ito at mapagmatyag. Ang tunay na matalino ay ang laging handa para sa pagdating ng Panginoon sa wakas ng panahon. Wala naman talagang nakaaalam kung kailan muling babalik ang Panginoon, kung kaya’t hindi dapat mag-aksaya ng oras sa mga mga walang-kabuluhang bagay; bagkus ay pagtuonan ng pansin ang higit na mahalaga -- ang masumpungan ang Panginoon sa lahat ng pagkakataon.

Ang pagiging handa ay ipinakikita sa pagkakaroon ng mga ilawang laging nagniningas. Ang langis sa ilawan ay sagisag nang mabubuting gawa. Ang liwanag na isinasaboy nito ay dalisay na pag-ibig. Ang tunay na matalinong alagad ay pinupuno ang kanyang buhay nang mabubuting gawa para sa kapwa upang mamalas nang lahat ang maigting niyang pagmamahal sa Diyos. Madaling sabihin na tayo ay naniniwala at may pananalig, ngunit ito ay hungkag at walang kabuluhan kung hindi ito nakikita sa ating pamumuhay.

Tulad ng limang hangal na mga dalaga sa ating Ebanghelyo, na may kanya-kanyang dalang ilawan ngunit may kakulangan sa langis, hindi sapat na masabing tayo ay Kristiyano ngunit hindi
nababanaag si Kristo sa ating buhay. Hindi natin maaaring sabihin na iniibig natin ang Diyos, datapuwat wala tayong pakialam sa paghihirap ng ating kapwa. Ang tunay na pananalig ay nagbubunga nang habag at mabuting gawa.

Katatapos lamang ng undas na kung kailan ginunita natin ang lahat ng mga mahal sa buhay na pumanaw. Ito ay nagsisilbing paalaala sa atin na tayo rin ay papanaw; na ang ating oras sa daigdig ay may hangganan. Dahil sa hindi natin alam kung hanggang kailan ang ating hininga, kailangan nating maging matalino; hinihimok tayo ng Ebanghelyo na laging maging handa upang masumpungan ang pagiging tunay na tapat at nananalig.

Tayo kaya ay tunay na handa? Kung tayo ay sa Panginoon, makikilala Niya tayo sa pamamagitan nang lakas ningning-liwanag ng ating ilawan ---ang ating pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga abang kapatid. Pakaingatan nating huwag mahulog sa tukso na mawalan nang gana sa ating paghahanda para sa pagdating ng Panginoon at nang sa pamamagitan ng maningning na ilawan ay mapasama tayong makapasok sa bulwagan ng kanyang kasalan.

 


 

Pin It

News & Updates

Published: March 17, 2025

Ang Christmas Institute para sa Diyosesis ng MaQueBaCa

Noong nakaraang Simbang Gabi, nagsagawa ng isang makulay at puno ng pagmamahal na Christmas Institue ang buong Diyosesis ng Kalakhang Maynila para sa mga pook na nasalanta ng mga kalamidad sa Kalugaran ng Bicol (Camarines Sur). Ang kaganapang ito ay isang bahagi ng kanilang misyon ng pagbibigay tulong at pagkakawanggawa, na naglalayong maghatid ng kagalakan at pag-asa sa mga pamilyang patuloy na bumangon mula sa mga pagsubok.

Published: December 11, 2024

Blood Donation Drive at the DGMA Cathedral

Join us in making a life-saving difference this holiday season! People360, in partnership with Iglesia Filipina Independiente (DGMA Cathedral), Dugong Alay Dugtong Buhay (DADB), Brgy. Apolonio Samson & Council, Sangguniang Kabataan of Brgy. Apolonio Samson, CDAG, Tau Gamma Sigma, Breast Cancer Warrior, Rotary Club of Cubao, Q.C., and Chinese General Hospital and Medical Center, invites you to another Blood Donation Program on December 14, 2024, from 7:00 AM to 2:00 PM, at the IFI Cathedral, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Published: November 7, 2024

TEN-TEN LAUDS OUTSTANDING LEADERS

May we always remember; may we never forget,” Bishop Buddy started his homily in paying tribute to the father-son tandem, Don Belong and OM Beluco.  The word “Double Ten” (date October 10) was coined after the month of October and day 10, hence Double Ten, red-letter day to remember and honor the two great leaders responsible for the furtherance and growth of the IFI...

Published: November 4, 2024

DGMA ORDAINS FOUR MINISTERS

On three separate occasions, DGMA through its officiating officer, the Rt. Rev. Vicente Salvador Ballesteros, ordained two priests and two deacons in an unprecedented one-month record period between September and October 2024. Two were held at the Cathedral of the Crucified Lord in Barangay Apolonio Samson, Quezon City; while one was held at the historic Maria Clara Church in Sta. Cruz, Manila.

Published: October 31, 2024

DGMA COMMEMORATES TOP IFI LEADERS

A Requiem Mass was held on October 10, 2024 (so-called Double Ten) at the Maria Clara Church in Sta. Cruz, Manila, to remember and honor the two distinguished leaders of the Iglesia Filipina Independiente, the Delos Reyes father-son-tandem: Isabelo delos Reyes, Sr. (“Don Belong”) and Isabelo delos Reyes, Jr. (“Beluco”). The Rt. Rev. Vicente Salvador (“Buddy”) Ballesteros, DGMA bishop, led the concelebrated Mass;

DGMA Features

Published: March 17, 2025

Ministriya ng Tagabasa sa Diyosesis ng Kalakhang Maynila

Ang Ministriya ng Tagabasa ay isang mahalagang bahagi ng Simbahan, at sa pagtanggap ng tungkuling ito, inaasahang mas lalalim ang pananampalataya ng mga mananampalataya. Sa pagtatapos ng seremonya, iginawad sa mga bagong tagabasa ang kanilang Pamatok (Lay Stole), Krus ng paglilingkod, at Lisensya bilang sagisag ng kanilang misyon.

Published: February 28, 2025

MIYERKULES NG ABO

Ash Wednesday is a reminder of our frailty to burst our pride, to remind us of what is important and of where our life is leading. There is repentance for our pride as we receive our ashes at Mass, but Lent is also hope-filled, as in our frailty we hope in God's merciful love. Our Lenten practices of increased prayer, fasting and almsgiving all serve to focus the mind and re-attune the heart, so that we can renew our friendship with the Lord. Life is filled with so much to do, and so much to distract us.

Published: November 25, 2024

Message from the Chief Pastor to all clergy and congregations (CHRIST THE KING SUNDAY)

Bowing and kneeling to the greatest King today should remind us that Christ as King made Himself known not by means of power domination and violence. That He made us understand Him by His unconditional love, by willful sharing of Himself as a servant-leader who leads by being the last, who teach us both by His words and loving deeds, and who treats us not as subjects but friends. Let us also caution ourselves from temptation to bow before world’s rulers in contempt of the one true Ruler who has given us life and keeps us blessed throughout the days of our lives.

Published: April 13, 2023

The Obispo Maximo's Message
on Easter April 9, 2023

Truly, “the resurrection is at the core of our beliefs as Christians. Without it, our faith is meaningless” (Joseph B. Wirthlin). But as we celebrate this joyful season, may it be clear to us as God’s people that Easter is not simply the resurrection of the Lord Jesus, it is largely our living out with him being the resurrected Lord so that we shall persist and endure to proclaim life and live out hope in our day to day living. Hence, in both gospels we heard the divine imperative to go and to tell others about the life that conquers death and the hope that defeats despair and the love that overcomes evil...

Published: December 31, 2022

January 1, 2023

Matthew 2:13-23
“Get up, take the child and his mother, and flee to Egypt, and remain there until I tell you, for Herod is about to search for the child, to destroy him.”

Announcements

Published: August 3, 2024

122nd Proclamation Anniversary

IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE
August 3, 1902 - August 3, 2024

PILGRIMAGE OF SOLIDARITY: Church and Indigenous Communities Journeying to Abundant Life.
"I have come that they may have life. and have it to the full" (John 10:10b, NIV)

Published: November 13, 2020

KAPIT-BISIG Humanitarian Mission

The South Central Luzon Bishops Conference (SCLBC) appeals to your compassionate heart for donations in order to bring relief to the victims of the recent calamity. We request your kind support in making sure that we provide immediate relief to the victims by donating relief goods, most importantly medical supplies, clothes, blankets and other basic necessities.

Published: November 8, 2020

SCL Virtual Clergy Convocation

SERVING WITH JOY AND GENEROSITY IN THE MIDST OF AFFLICTION AND REPRESSION.

November 9, 2020 I 8:00am - 5:00pm I via Zoom app
Speaker: Bishop Reuel Norman Marigza | NCCP General Secretary

Official Church Statements

Published: February 19, 2021

Create and Make in us New and Contrite Hearts

We ask then all members of the IFI community to take the Season of Lent as an opportunity to contemplate on what our Lord Jesus really did and continue to do for us through his passion and death on the cross and eventually through his resurrection. We need to see his work of salvation wrought for us and the way he is leading us towards the unity and presence of God almighty, the Father in heaven.

Published: December 14, 2020

Celebrate His Life and Ministry, remember His Contribution

OM’s Message to the Church On the 43rd Death Anniversary of past Obispo Maximo Bishop Santiago Fonacier; December 8, 2020; TO THE BELOVED PEOPLE OF GOD In the Iglesia Filipina Independiente

Published: December 4, 2020

RED-TAGGING by NTF-ELCAC amid Pandemic

The Iglesia Filipina Independiente (IFI) clergy and laity were shocked and appalled when on October 30, 2020 a video clip proliferated in social media claiming the IFI and other Churches in the Philippines to have “15% membership as members of CPP-NPA-NDFP.

Published: October 17, 2020

Concordat Anniversary between Church of England and the IFI

OM’S MESSAGE TO THE CHURCH On the Occasion of the Concordat Anniversary between the Church of England and the Iglesia Filipina Independiente

Published: October 2, 2020

He Walked While He Had The Light

OM’s Message on the Celebration of the Life of Bp. Gregorio Aglipay: On the Occasion of his 80th Death Anniversary.

"Our celebration today is therefore about his life, not about his death; a kind of life that Bp. Gregorio Aglipay..."

Salitang Buhay

 

 

 

 

 

 

Stay Connected

Keep up-to-date with the latest information on the Diocese of Greater Manila Area sent directly to your email.

Oops.. there don't appear to be any lists for you to subscribe to!
This account has been deactivated.

●●●●●